Tuesday, January 11, 2011

Sa isang Iglap

Minu-minuto ikaw'y aking nakikita;
Sa bawat sandali ikawlagi naiisip;
Sa bawat pagsapit ng araw;
Ikaw ang tanging hangad.

Isang iglap lang ng ikaw ay nawala;
Minu-minuto ikaw'y naaalala;
Para bang ang araw ay kay tagal;
Pagka't walang ibang hangad kundi ikaw lang.

Sa pagbago ng panahon ikaw ay hindi malimutan,
Sa isang iglap lang di kita kayang  pakawalan.
Ngunit ang isang iglap ay kusa ng napalitan
Ng pag-ibig na ako lang yata ang nakakaalam.

Masakit sa isip at damdamin,
Na tanggapin ang isang iglap na pag-ibig.
Subalit kung ito'y nakakapagpaligaya,
Ang isang iglap ay parang ilang taon na rin sa'yo sinta.

No comments:

Post a Comment